March 29, 2020

Tulay na ₱23-M ang halaga, itinayo kahit walang ilog

Trending ang isang tulay sa Southern Leyte na ginastusan ng DPWH ng tumataginting na ₱23-milyon. Pero imbes na like, tadtad ng sad face at unlike ang ibinigay ng mga nakakita nito. Ang kanilang tanong, nasaan daw ba ang ilog at bakit kailangan ng tulay?

Makikitang isang ordinaryong tulay lang ito sa bahagi ng Bontoc,Southern Leyte yari sa semento at may railings din sa gilid.Pero ang tinatawag na “buenavista bridge” wala nmang ilog sa ilalim halos kapantay lang din ito ng lupa sa gilid na pwedi lang lakaran ng tao.Maraming mga naninirahan mismo doon na nagtataka kung bakit ginawan ng tulay kahit wala nman itong ilog

Ang tulay na ito ay itinayo noong 2015 at ginastusan ng mahigit ₱23-milyon mahigit 50 metro ang haba nito at lapad na mahigit 7 metro.Ayon sa DPWH may paliwanag daw kung bakit nila kailangan gawin ito,pagtatanggol na DPWH ito lang daw ang tanging paraan para masolusyonan ang paglubog ng kalsada.Inabot na daw ng 3 beses ang pagsasaayos ng bahaging ito ng kalsada noong panahong nasa ilalim pa ang proyekto ng Jica.Inakala rin itong isang sinkhole nong una peru matapos itong masuri lumabas na malambot ang unang bahagi ng lupa may creek o waterway sa ibang bahagi pa ng lupa kaya lumulubog. Kaya ang ginawa ng DPWH gumawa ng desinyo na parang tulay para maibaon ang mga piluti sa ilalim ng lupa.Ang railings kailangan ikabit bilang para magmukhang tulay pamprotekta din daw sa mga dumadaan.

Ang ilang residente na nkatira malapit sa tulay saksi daw kung bakit at paano ito ginawa ayun sa isang residente doon ay ilang beses na daw ito nirerepair ngunit parati parin itong bumabagsak kaya napansin nila na mayroon itong tubig sa ilalim kaya ang ginawa nila ay nilagyan nalang ito ng tulay.

Nais ng DPWH na matapos na ang panghuhusga sa tulay na walang ilog lalo pa’t nakatoon daw ang pansin nila ngayon sa pagaayos ng mga kalsada na madalas tamaan ng mga landslide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *