September 27, 2020

State of the Nation Address ni Pangulong Duterte, Ginanap sa Kabila ng Covid 19.

Naganap ang ika limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, July 27, 2020 sa Batasang Pambansa sa Quezon City. Ito ay dinaluhan ng iilang mga mambabatas kabilang na rito sina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano. Mapapansin namang wala si Vice President Leni Robredo na dumalo lang sa pamamagitan ng isang video conference.

📷 The Manila Times

Tinalakay ng Pangulo ang hinggil sa Covid 19 na siyang pangunahing paksa na hinintay ng lahat. Aniya, malapit na daw magkaroon ng bakuna ang sakit na ito. Sandali na lang at mapipigilan na ang pagkalat ng Covid 19. Nagmakaawa na rin daw siya kay President Xi Jinping na bigyan ng prioridad ang Pilipinas pag nagkaroon na ng bakuna ang China.

Pinasalamatan naman niya ang iba’t ibang mga local government units sa nagawa ng mga ito laban sa pagkalat ng Covid 19. Pinagdarasal daw niya na sana ay ipagpaliban muna ang pamumulitika at unahin ang kapakanan ng lahat.

Plano daw ng Gobyerno na pabilisin ang mass testing at mabigyan na kaukulang tulong ang lahat ng labis na naapektuhan ng Covid 19 tulad ng mga OFW, Small Business Owners at mga Low Income Households.

Muli niyang binalikan ang kaso ng ABS CBN at ng mga Lopez na tinawag niyang mga Oligarchs. Nasambit din si Senator Franklin Drilon na siyang protektor daw ng mga ito.
“This is the oligarchy that controls the Philippines by taking control of the water and the electricity. Yan ang oligarchy mo Drilon. Wala ng oligarchy dito, except that.” Pahayag ng Pangulo.

Hinamon din niya ang dalawang telecommunications company sa bansa na Smart at Globe na ayusin ang kanilang mga serbisyo bago mag Disyembre ngayong taon. Kung sakaling di nila magawa ito ay gagamitin daw niya ang natitirang 2 taon ng kanyang termino sa pagsasaayos ng telecoms sa bansa. Ayon sa Pangulo, “I want to call Jesus Christ [in] Bethlehem, better have that line cleared.”

Ilan pa sa mga paksa na kanyang tinalakay ay ang West Philippine Sea, Death Penalty for drug related cases, Department of Disaster Resilience and People’s Safety, Children’s Rights, Posibleng pag amyenda sa Continuing Professional Development o CPD act of 2016, at ang pagpigil sa tradisyonal na face to face na pagtuturo hangga’t wala pang bakuna sa Covid 19.

Nakiusap naman siya sa lahat ng Pilipino. “Ito ang panahon para magtulungan. Hindi panahon para maglamangan… This is the time to bring out the best in us.”, pahayag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *