September 27, 2020

Reklamo Laban Kay Senador Koko Pimentel, Ipinasa ng DOH

Ipinasa na ng Department of Health (DOH) sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang reklamo laban kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel na inihain ng dean ng University of Makati Law na si Rico Quicho noong nakaraang Abril. Hinggil ito sa ginawang paglabag di umano ng senador sa quarantine protocols ng siya ay pumunta sa isang pampublikong lugar kahit na isa siyang person under investigation o PUI.

Senator Aquilino “Koko” Pimentel

Matatandaan na pumunta si Pimentel sa Makati Medical Center upang samahan ang kanyang asawa na buntis at malapit ng manganak. Ang nasabing senador ay nagpakita na ng mga sintomas ng trangkaso at dapat nasa quarantine noong panahon ding iyon habang naghihintay ng kanyang covid 19 test result. Kinalaunan ay lumabas nga na nagpositibo si Pimentel sa Corona Virus.

Makati Medical Center

Ayon kay Quicho, nilabag ni Pimentel ang RA 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ng hindi niya pinaalam sa Makati Medical Center na siya ay isang PUI na nagdulot ng pagkabahala sa nasabing ospital. Nauna rito ay namataan din si Pimentel na namimili sa isang sangay ng S&R na posible ding naghawa sa mga tao doon. Humingi naman ng paumanhin ang Senador hinggil sa kanyang nagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *