September 27, 2020

Pag-aaral Hinggil sa Nuclear Energy, Isinulong ni Pangulong Duterte

Kumakailan ay bumuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang grupo para pag-aralan ang posibilidad ng pagkakaroon ng nuclear energy sa bansa. Ito ay ang Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee o NEP-IAC na binuo sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 116.

📷VectorMine.com

Ang nasabing grupo ay pinangungunahan ng Department of Energy (DOE) at may mga kinatawan mula sa iba’t-ibang grupo at ahensya kabilang dito ang;
• Department of Science and Technology (DOST)
• Department of Environment and Natural Resources
• Department of Interior and Local Government (DILG)
• Department of Finance (DOF)
• Department of Foreign Affairs (DFA)
• National Economic and Development Authority (NEDA)
• National Power Corporation (NPC)
• National Transmission Corporation (Transco)
• Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) , at,
• Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)

Ang NEP-IAC ay naglalalayong magsagawa ng pag-aaral hinggil sa pagkakaroon ng nuclear energy bilang isa sa mga pangunahing power o energy source ng Pilipinas. Kaakibat nito ay ang pag-aaral sa mga posibleng epekto ng nuclear energy sa economy, security at environment ng bansa. Layunin din ng NEP-IAC na silipin ang mga posibleng maging mga issue sa imprastraktura at gawan ng mga solusyon ang mga ito. Inatasan din sila na pag aralan ang lahat ng naaayong batas at gumawa ng hakbang para sa tamang paggamit ng nuclear energy sa hinaharap.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso G. Cusi, ang nasabing EO ay isang malaking hakbang para sa Nuclear Energy Program ng Pilipinas.
Makakatulong daw ito ng malaki sa pagpapalago ng energy supply na pedeng makapagpababa ng presyo ng kuryente sa bansa.

Bataan Nuclear Power Plant

Matatandaan na ang Pilipinas ay mayroon ng isang Nuclear Power Plant na itinayo sa Bataan. Nakumpleto ito noong 1986 ngunit di ito binuksan at ginamit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *