September 27, 2020

Mga Tsismosa Pwedeng Makatulong sa Covid 19 Contact Tracing

Ang pagiging isang tsismosa ay maaari nang makatulong ngayon. Ayon ito sa Central Visayas Police Regional Office na nag iisip na humingi ng tulong para sa contact tracing ng mga pasyenteng nag positibo sa covid.

“What do we call this, the tsismoso brigade… they could be a good source, sa Bulacan man yata. Sabi nila, mga tsismosa, we ask you to help us sa atong contact tracing,” ayon ito kay PRO 7 director Albert Ignatius Ferro na nag lalayong isagawa ito sa Central Visayas.

📷The Freeman

“This health emergency crisis in not only a job or responsibility of the police, of the military, or the local government. This is a responsibility of every single Sugbuanon, Boholano, Ilonggo, Ilocano, Bisaya, and all the Filipino citizens,” dagdag pa niya.

Ang contact tracing ay ang paghahanap sa mga taong nakasalamuha ng isang PUI o person under investigation. Ito ay isa sa mga paraan upang mabawasan o mapigilan ang pagkalat ng Covid 19 sa isang lugar.

Sa ngayon, napakalaking hamon para sa ating kinauukulan ang contact tracing dahil sa kakulangan sa tamang gamit at ang hindi pagsasabi minsan ng mga PUIs ng kanilang buo o tamang contact history.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *