September 27, 2020

Mga Di Sumusunod sa Quarantine Gustong Turuan ng “Leksyon” ni Pangulong Duterte

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipakulong ang sinumang mahuli na lumalabag sa mga community quarantine protocols. Bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid 19 sa ating bansa.

Aniya, magbibigay daw ito ng leksyon na hindi-hindi agad malilimutan ng nahuli. “So we will have to ask our police to be more strict. So hulihin talaga (Arrest quarantine violators). A little shame would put them on notice forever,” dagdag pa ng Pangulo sa kanyang mensahe na pinalabas sa PTV 4 noong Martes ng nakaraang Linggo.

Matatandaang nagmungkahi si Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ng “Shame Campaign” laban sa lahat ng lumalabag sa mga quarantine protocols. Bagay na di sinang ayunan ng Malacañang dahil na rin sa ito ay labag sa Data Privacy Act.

Sinabi ng Pangulo na dapat hulihin ng PNP ang lahat ng lumalabag sa quarantine protocols upang maprotektahan na rin ang lahat ng sumusunod sa quarantine. Sa normal na panahon ay hindi naman daw ito karapat dapat gawin pero ang mga lumalalang bilang ng Covid 19 ay sapat na dahilan upang ituring ito na isang pambansang kalamidad.

”The theory is that you are the carrier that is why you should wear a mask so as not to pass on the infection to the other guy. Baliktad ang psychology diyan para talagang maniwala kayo,” sabi ng Pangulo.
Mas magiging matagumpay rin lang daw ang laban kontra Covid 19 kung makikipagtulungan tayong lahat sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *