June 7, 2020
bill gates ng pilipinas

Kilalanin Ang Tinaguriang Bill Gates Ng Pinas-Dado Banatao

Ang kababayan nating sa Dado Banatao ay tinagurian bilang “Bill Gates Of The Philippines.”

Alam niyo ba na Pinoy lang pala ang unang nakaimbento ng Pc chipset at windows graphic accelerator chip?makikita natin ang bawat chip na ito sa computer ngayon.Ang lumikha ng mga mahahalagang imbensiyon na ito ay si Engr.Diosdado o “Dado” P.Banatao Known as the “Bill Gates”of the philippines.

Alamin natin ang kwento ni Diosdado Banatao. Siya ay galing lamang sa isang ordinaryong pamilya sa isang maliit na baryo na kung tawagin ay Malabac sa Iguig Cagayan Valey.Ang ama niya ay isang magsasaka.Noong panahon nila Dado ay wala pa silang kuryente at Telepono.Ang buhay nila Diosdado ay isang magandang halimbawa na isang magandang kwento.Katulad din ng mga typical na bata,si Dado Banatao ay naglalaro din sa mga maduming kalye kasama ang kanyang mga kaklase pero sa kabila ng lahat ng ito nangarap noon si Dado na maging isang piloto.Si Diosdado Banatao ay Nakapagtapos ng kursong Electrical Engineer nakapagtapos siya sa “Mapua Institute of Technology”.Noong panahong iyon ang Philippine Airlines ay naghahanap ng pilot trainees.Ma swerteng nakasama si Dado at mula noon sa Philippine Airlines na siya nagtrabaho.Habang tumatagal siya sa kumpanya binigyan siya ng oportunidad na maging bahagi ng Boeing. Doon sa Boeing si Dado Banatao ay isa rin sa gumawa at tumapos sa final design and control surfaces ng Boeing 747.

Sa kabila ng talento at kakayahan ni Dado sa Boeing ay napansin niyang hindi siya masaya sa kaniyang trabaho dahil dito ay ipinagpatuloy nalang niya ang kanyang pag aaral tungkol sa Science ng Electronics.Kaya nman nag endroll siya sa ibang skwelahan sa kursong Engineering and Computer Science.Sa kanyang pagpupursigi ay nakakuha siya ng Master’s Degree in Electrical Engineering and Computer Science sa Stanford University.Itong si Dado naging ganap na inhenyero at nagtrabaho siya sa isang consumer electronic sa kumpanya na ang tawag ay Silicon Valley computer group.Matapos ang panahon na ginugol ni Dado sa Silicon Valley ay lumipat siya sa Comodore International isang american home computer and electronics manufacturer.Doon nabuo ang kanyang pinaka unang naimbento ang pinakaunang single chip 16bit microprocessor based calculator bukod pa dito isa pa sakanyang naimbento ay ang World’s first System Logic chip set for IBM’S PC-XT and PC-AT ay imbento ni Dado Banatao.Inimbento niya rin ang pinakaunang windows graphics accelerator chip or personal computer’s.

Nagtrabaho rin si Dado sa mga ilalim na sikat na mga electronic companie’s.Ito ang Mostron,S3 at sa Chip Technologies bilang co founder ng nasabing kumpanya na kalaunan ay ibenenta din sa kumpanya ng Intel noong 1996.Ngayon sinosuportahan ni Dado ang mga Engineer na scholar sa pamamagitan ng Dado Banatao Educational Foundation at ng Philippine Development Foundation kung saan ay nagbibigay siya ng free education para sa mga kabataang pilipino.Sa kanyang hometown naman ay nagdodonate siya ng mga hightech computer units itong si Dado partikular na sa kanyang dating paaralan nong siya ay nasa elementarya pa lamang.Ngayon ay nasa 73 years old na si Dado at bilang isang tao na lumaki na may determinasyon sa buhay ito ang nais na ipaabot ni dado sa ating lahat “Were bright as anyone.I’m just an average guy went to silicon valley and got trained by the environment itself.We have to have that here in the Philippines.Were not lacking in intellect .My family was poor but only because I trained myself,I can do this things today.I think that is the lesson for all of us,I am not special but I am determined.My story could be your story.As filipinos,it must be our story.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *