December 9, 2019

Kilalanin ang taong tumakas sa kulungan gamit ang sopas.

Sa unang parte nalaman natin na nakulong ang ating bida dahil pinilit siyang aminin sa isang krimen na hindi nman niya talaga ginawa.Nakulong siya ng ilang taon at nakatakas sa angking galing sa pagbukas ng mga padlock gamit lamang ang maliit na wire.Hindi nagtagal ang kaniyang kalayaan at nahuli din nman agad siya.Pagkatapos noon ay 7 taon din siya nakulong at inilipat siya sa bagong kulungan at ginawa niya ang kanyang pangalawang pagtakas.Hindi lang padlock sa pinto ang kaya niyang buksan nalaman natin na magaling din siya magbukas ng mga posas.

Bukod doon ay may human strenght din siya at napakagaling niyang umakyat sa mga pader.Pagkatapos niyang makalaya ay nakulong siya ulit dahil sa pagtataksil sakanyang itinuturing na kaibigan at doon mas lalong mahirap sakanya ang tumakas sa kulongan dahil mas pinatindi ang bago niyang seguridad sa kanyang selda.Puro bakal ang bintana at pintuan,naka posas din siya patalikod ang dalawa niyang kamay at ang kanyang paa ay mayroon ding shockles.Ang tanong sa likod na ito ay kung makakatakas paba siya ?

Binigyan siya ng Misu soup na may sangkap ng tukwa at iba’t ibang spicies kasama rin dito ang tuyo at kanin.Sa bawat pagkakataon na binibigyan siya ng soup ay nagtitira siya ng kaunti at pinaghahalo-halo niya ang tuyo at itinatapon niya sa kanyang posas at paa ganun din sa grills ng pintuan na alam naman nating bakal.SAng kanyang layunin kung bakit niya ginagawa ito ay upang gamitin ang salt content ng kanyang soup para mapabilis ang pag oxedize o ang pangangalawang na nasa pinto ganun din sa kanyang posas at sa kunting pagsasaliksik ay totoo nga na ang tubig na may mataas na salt content ay nagpapabilis sa pangangalawang ng isang bakal.Dahil sa ginagawa niyang ito ang screw sa grills ay tuluyan na ngang natanggal.

Ang ginawa niya ngayon ay kinuha niya ito at ginawang parang philip screw para matanggal ng mas mabilis ang ibang screw gamit lamang ang kanyang bibig at isang linggo lang ang nagdaan ay agad nmang natanggal ang posas sa kanyang kamay gamit ang kanyang angking lakas.Ngayon okay na siya sa loob ng kulongan nakakagalaw,wala ng mga posas at nabuksan ang harang sa pintuan.Nabanggit sa unang kabanata na ang bintana na bakal ay may maliliit lamang na butas kung saan ulo lang ang magkakasya.Hindi alam ng mga pulis na mayroon pa itong itinatagong kapangyarihan,ito ay kaya niyang e dislocate ang iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan para mapagkasya ang sarili sa butas.Habang ginagawa niya ito ay para siyang uod o bulate na unti-unting ipilit na ipasok ang katawan sa butas.

Tandaan rin natin na ang ikatlong tagumpay na sangkap sa pagtakas ay ang pag aralan ang bawat galaw ng mga guwardiya.Ginawa niya ito ng walang bantay.Pagkatapos niyang ilusot ang kanyang katawan sa butas ay dumiretso siya sa isang butas sa bubong sa kulungan at doon naglaho siya na parang bola.Kung susumahin ay 3bese na sya nagtagumpay.Una sa Omari,Akita at sa Abashi prison.Siya rin ang kaisa-isahang tao na tagumpay na nakakatakas sa priso.Ayun sa Abashi prison na ang kulongan na yun ang may pinakamataas na seguridad sa Japan.Noong mga panahong ito ay nagaganap ang digmaan sa panahon ng Estados Unidos at ng Japan.Ibinagsak ng America ang boom basahiro shimma na siyang dahilan ng pagsuko ng Japan sa mga amerikano.

Natigil ang mga pulis sa paghahanap sakanya dahil mayroon pang mas importanteng bagay sila na kailangan ayusin sa kanilang bansa.Naging chill ang lahat para kay Shiratori.

Maraming nagtataka kung nasaan kaya si Shiratori matapos niyang tumakas sa kulongan? Ano nman kaya ang nangyari sakanya noong nagaganap ang digmaan? Ang mas magandang tanong ay kung buhay pba siya?

Ngayon, si Shiratori matapos tumakas sa kulongan ay nanirahan sa kabundukan kung saan may natagpuan siyang isang maliit na kweba.Sa loob ng kweba siya namuhay,nabuhay sa iba’t ibang pagkain ng prutas at mga wild animals.Ilang buwan sin siya nanirahan sa bundok at naisip niya na wala din kwenta ang kanyang buhay kung sakaling maninirahan siya dito.Mayroon siyang asawa at anak na kailangan balikan,at doon nagpapasya siyang bumaba ng bundok at doon nagulat siya sa kanyang nakita na napaka maraming amerikano na nasa Japan.Naglakad siya ng paunti unti at doon siya nakapulot ng diaryo at doon niya nalaman ang tungkol sa bomba at digmaan na naganap sa Japan.Ang masakit pa jan ay doon niya napagtanto na wala na siyang babalikan pa.

Ang kaisa-isahang rason niya para makatas ay ang kaniyang pamilya ay nadamay sa ngyaring digmaan.Dahil dito wala na siyang rason pa para magtago at bumalik pa sa bundok.Wala siyang tigil sa paglalakad noon hanggang sa marating niya ang siyudad ng Sapporo.Doon maraming pananim na namumunga ng nasa parti na siya ng Japan na akma ang klima para sa mga pananim.Noong mga araw na ito ay gutom na gutom na si Shiratori.Sa hindi kalayuan ay may nakita siyang kamatis na gagawin niya sanang hapunan.Noong akmang kukunin na niya ang kamatis ay nakita siya ng may ari ng taniman doon inakala siya na siya ay totoong magnanakaw.Hindi nman alam ni Shiratori na mayroong nagmamay ari sa kamatis.Dahil ayaw niyang gumawa ng krimen pero ang may nagmamay ari ng krimen ay mas naging agresibo sa kanya.Hindi nagtagal ang dalawa ay napuno,hanggang si Shiratori ay nakasaksak.

Ang may ari ng pananim ay mayroong residente ang nakakita sa ngyari,agad itong na ireport sa mga pulis at doon si Shiratori ay muli nnamang nakulong.Ang mga pulis noong unang araw ay hindi nila alam na hawak nila ang scape artist na si Yoshi Shiratori ng ma kumpleto nila ang report ay doon na nila nalaman ang kanyang background na tatlong beses na pala siya tumakas sa kulongan.At ang pagsaksak sa magsasaka ay sinabi ni Shiratori ay isang self defense lamang.Pinagpatong patong ng judge ang lahat ng kasong ito at hinatulan siya ng kamatayan .

1947 ng idineretso siya sa Sakoro prison upang doon maghintay sa araw ng kanyang bitay.Nilagyan ng CCTV ang kanyang kulongan at anim na guwardiya ang kanyang bantay.Ang kanyang kulongan ay para din itong sa Abashi prison,pero upgraded na ang mga bakal na inilagay sa pinto at bintana sa loob ng selda ay may pinatibay yung tipong hindi na mangangalawang.Ang mga butas nman dito ay mas lalo pang pinaliit na mas maliit pa sakanyang ulo.Sa sobrang panatag ng mga guwardiya ay hindi na siya binibigyan ng posas.

Sa puntong ito, marami ng pinagdaan si Shiratori kung iisipin matanda na ,mula sa sugat sa mga kamay mga galos, pangbubog-bog at pati ang kanyang puso at pati ang kanyang puso at pag iisip ay wasak na wasak na.Makikita ng mga guwardiya ang kanyang pagka desperado sa mga mata niya.Sa araw araw na lumilipas si Shiratori ay laging nakatingala sa itaas na animo’y may nakita.May nakita na weakpoint sa kanyang sildang kinalalagyan.Ganunpaman alam ng guwardiya na wala na siyang kalalagyan dito pero para makasigurado ang mga guwardiya ay araw-araw chinicheck at tinitignan ang mga butas sa pader,kisami,pinto at kung siya ba ay naliligo.

Buwan ang lumipas at dumarating na nman ang tag lamig si Shiratori ay unti-unti nnamang ng hihina.Sa isip isip ni Shiratori ay ito na ang pinaka dead end ng kanyang carrier bilang escape artist na ang ginawang silid sakanya ay wala talagang weakpoint at ang buong pasilidad ay inaral na ang kanyang taktika sa kanyang mga unang pagtakas.Animo’y depressed siya,nakikitang nakahiga parin siya sa kama at hindi lumalabas sa kaniyang silda kahit na pinapalabas na nila ito.Hindi narin siya kumakain ng maayos at makikita mong matamlay siya na namumutla parang wala na siyang gana pang mabuhay .

Nagpatuloy ito ng ilang araw hanggang sa ang mga guwardiya ang binuksan ang kanyang silid upang disiplinahin inshort bubogbugin na nman dahil sa hindi siya sumusunod sa kanyang utos pero pagtanggal ng kumot sa kama ay wala na si Shiratori sa kulongan.Imposible ito at paano niya ito nagawa ?

Noong unang beses ay matatandaan natin na parati siyang nakatingala na animo’y may hinahanap sa itaas.Isa pala itong patibong para sa mga guwardiya yung tipong akala nila kung tatakas man si Shiratori ay sa itaas na ito gagawin pero hindi nila alam na ang lahat ng ito ay arte lamang at may iba siyang planong pagtakas.Ang flooring ng kanyang silda ay tinatawag na floorboards na ang kailangan niya gawin ay tanggalin pa isa isa ang bakal na siyang nagdidikit sa sa mga ito.Hindi maging madali ang gawaing ito para sakanya pero mayroon siyang experience sa mga ganitong bagay.Improvise,adopt,overcome.Ginamit niya ang ibat ibang bagay na pwedi niyang gamitin tulad ng kutsara,bowl para gawing panghukay sa lupa.

Naitatago niya ang kanyang mga aktibidadis sa loob ng selda dahil una,parang itinatak ni Shiratori sa mga guwardiya na sa itaas siya gagawa ng pagtakas sa kulongan at para rin hindi mapaghinalaan sa ilalim pala ng higaan niya gagawin ang pagtakas.Pangalawa, madali niyang naibabalik ang floorboard sa kinalalagyan nito at kung tignan man ito ng mga guwardiya ay maitatago nito ang hukay sa ilalim ng lupa.Pangatlo ang ginagawa niyang pagmamatigas ang ulo sa mga guwardiya.Sa paraang ito ay normal lang sakanila na nakahiga si Shiratori sa kama kaya sakanyang pagtakas ay out of pression kumbaga bakit siya pag suspetsahan na tatakas eh parang wala na siyang gana pang mabuhay.

Sa puntong ito ay apat na beses na siyang na kulong at apat na beses na siyang nakatakas.Isang taon anag nakalipas ay nasa 40 gulang na si Shiratori,nakakaramdam na siya ng kakaunting pagod at ang kanyang katawan ay pagod na siyang bumigay at bumalik sa kulongan.Isang araw sa isang lugar ng Sakoro ay umupo si Shiratori at hindi nagtagal may isang police ang siyang tumabi sakanya.Hindi alam ng police na siya si Shiratori kaya nagtinginan lang ang dalawa nagbigay ng ngiti ang police sakanya.Kinuha ng pulis ang kanyang sigarilyo at sinindihan.Ang police ang unang kumausap kay Shiratori,sa loob loob niya ay takot na takot siya,kung saan na gusto niyang umalis sa kinauupuan niya ay kailangan niyang gawin yun ng hindi nagdududa ang pulis sa kanyang ikinikilos.Pinilit niyang gawing normal ang pag uusap nila at hindi nagtagal may ginawa ang pulis na ikakabago ng buhay ni Shiratori.Kinuha niya ang kanyang kaha ng sigarilyo at binigay kay Shiratori masasabi nating normal lang ito pero noong araw sa Japan ang sigarilyo ay consider luxury item ibig sabihin mahal ang benta ang isa nito.Kaya ang may kaya lamang ang nakakabili ng sigarilyo,itong maliliit na bagay na ito ang siyang nakakapagluha kay Shiratori sobrang na appreciate niya ang pulis.Ang dalawa ay hindi magkakilala peru bukod sa loob ng pulis ay nabigyan siya ng isa pang bagay na sobrang mahal noong araw.

Tandaan natin na ang buhay niya sa isang kulongan ay talagang pinapahirapan siya ng mga alagad ng batas na pati ang kanyang tangi niyang pag asa noon na si Kubayashi ay pinagtaksilan siya at isinumbong muli sa mga pulis.At ito ang isang pulis na buong puso ipinaranas sakanya kung ano ang pakiramdam na nirerespito na bibigyan ng halaga,pantay ang tingin at walang alam kung ano ang buhay niya at nagpakita parin ito ng kabutihan.Malalim na nag isip si Shiratori at hindi niya mapigilan na sabihin sa pulis na siya ay puganti na tumakas sa kulongan noong nakaraang taon na apat na beses na niya itong ginawa.

Hindi tulad noong unang beses na hindi siya handa sa mga susunod na mangyayari ay sa pagkakatong ito alam niya ang kapalit kung sasabihin niya ang totoo sa pulis ay makukulong siya.Matatandaan natin na sinabi niya na hindi na siya magtitiwala sa kahit na sinong pulis pero ang simpleng pagbigay ng sigarilyo sa kanya ay siyang nagpabago sa pananaw niya sa buhay.Ilang saglit ang lumipas,dumating ang mga kapulisan para siya ay muling arestohin pero pagdating niya sa kulungan ay iba na,iba na ang lahat parang bago ang atmosphere sa kulongan.Hindi na niya alam kung bakit pero parang magaan na ang pakiramdam niya dahil siguro ito sa digmaan na nagbabago ang pamamalakad ng gobyerno sa Japan o de kaya’y dahil kusa siyang sumuko sa mga pulis.

Pagkatapos noon, na appreciate ng mataas na korte ng Sapporo ang ginawa niya. Ang ilang nakaraang kaso laban sakanya ay ibinasura narin tulad ng pagpatay de umano sa isang magsasaka na sinabi ng judge na totoo ngang self defense lamang ang lahat ng yon.At sinabi rin na sa 4 na beses niyang pagtakas sa kulongan ay ni isang guwardiya ay wala siyang sinaktan sa likud nga kaliwa’t kanang pang aabuso sakanya pagkatapos ng paglilitis sakanya ay binawi ang hatol na bitay at sa huli ang taon na gugugulin niya sa kulongan ay ibinaba sa 20years na lamang.Isa pa inaprobahan ng judge ang kanyang request na e transfer sa kulongan kung saan tama lang ang klima hindi mainit at hindi malamig.Ito ay sa tokyo.

Isa isa ng nakukuha ni Yoshi Shiratori ang kanyang kahilingan,sa kulongan din ito pinaka una niyang naranasan ang hindi abusohin ng mga guwardiya mabait sila sakanya at tinrato bilang tao.Ang totoo ay wala na sa utak niya ang tumakas at wala na siyang pakialam.Ang kaniyang ipinaglalaban tulad ng pang aabuso sakanya ang hatol ng pagkabitay dahil sa kanyang self defense dahil sa sobrang lamig ng klima ay wala na maayos ang kalagayan niya sa kulongan.

Abashiri Prison Museum, Abashiri, Hokkaido, Japan

Tanggap niya na hindi niya mababago ang parusang ibinitaw sakanya.Lumipas ang mga taon 1961,14years pagkatapos ay pinalaya siya dahil sa parol at dahil sa pinakita niyang kabutihan sa loob ng kabutihan.At sa wakas sa mahaba habang panahon ay si Yoshi Shiratori ay malayang malaya na.Itinuturing na si Shiratori ay isang legend.Sa kaboshirri ay ginawan siya ng museum kung saan makikita siyang umaakyat sa lubid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *