September 27, 2020

Ina Iniwan ng mga Anak sa ilalim ng Lababo

Kaawa-awa ang kalagayan ng isang matandang babae ng matagpuan ito ng kanyang kapitbahay sa ilalim ng isang lababo. Napag alaman na iniwan ito ng kanyang mga anak na lumipat na ng ibang bahay.

­čôĚKristine Vargas Tatad

Ayon sa post ni Kristine Vargas Tatad ang matandang babae ay dalawang araw ng nasa ilalim ng lababo ng nasabing bahay. Hubo’t hubad at halos buto’t balat na ang itsura na nasabing matanda na mayroon din palang iniindang karamdaman.

­čôĚKristine Vargas Tatad

Natatakpan lang ito ng plywood at container nang matagpuan nila ito.
Agad nila itong sinaklolohan at nagawang bihisan at pakainan. Nang magviral ang post ni Kristine ay marami ring mga netizens ang nagpadala ng kanilang tulong. Kinalaunan ay hinanap nila ang mga anak upang alamin kung bakit nila ito ginawa sa matanda. Nagsabi naman daw ang mga ito na babalikan naman daw nila ang ina.

­čôĚKristine Vargas Tatad

Sa kasalukuyan ay kasama na ulit ng ina ang kanyang mga anak at maayos na ng konti ang kanyang kalagayan. Nakipag ugnayan na rin ang mga sumaklolo sa DSWD para mabantayan ang matanda at masiguradong di na ito ulitin ng mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *