December 9, 2019

E Jeepy driver sasamang kakasuhan dahil sa pag udyok sa babae.

No.1 Viral ngayon sa Youtube Philippines ang alitan ng matandang lalaki at babae sa E-jeep sa kadahilanang ito daw ay nabastos.Karamihan sa atin ay nakakita na sa video kung saan nagharap-harapan ito.Kitang-kita din natin ang kuha o video ng Cctv na walang katotohanan ang sinabi ng babaeng nangbentang na binastos na kilala bilang si Dimples Moricilla at ang matandang lalaki nman ay kilala bilang si Alexander Gutal.

Kahapon Oktubre 22,2019 ay ipinalabas na ang pinakahinihintay na part 4 ng video nila kung saan ay magsasalita na ang driver at konduktor sa kanilang nasaksihan na pangyayari.Maraming mga netizens ang nagsabing isa ang driver na nagpapasok sa lalaking ng bugbog at sinabing “sige tirahin mo na yan.”

Ayon sa driver o kilala bilang si Jowel Espiritu, ng lumipat ang babae ng upuan ay agad nagsumbong sakanya na ito ay hinipuan at grabe daw ang ginawa sakanya na pangbabastos.Nung una ay hindi inamin ng driver na sinabi niyang ipatira si tatay Alexander pero nong pinakita na sakanya ni idol Raffy ang mismong video ay inamin din ito .Nasabi nalamang daw niya ito dahil akala niya totoo ang sinabi ng babae na siya ay nabastos kaya’t agad niya itong kinampihan.Humihingi ng tawad ang driver kay tatay Alexander ayun sakanya,hindi niya nman nakita ang sinabing pangbabastos na sinabi ng babae dahil sa nagmamaneho siya sa kadahilanang ito ay kinampihan niya.Buong puso namang nanghingi ng tawad ang driver dahil sa nasabi niya.

Ng malaman ito ni tatay Alexander na kung hindi dahil sa driver na nag udyok na sapakin siya ay wala sanang magyayari na pananapak.Ayon nman kay tatay Alexander na pananagutan nila ang lahat at isasama niya ang driver sa kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *