September 27, 2020

DTI Hahabulin ang mga Nag Oonline Trade o Barter

Nagbabala si Department of Trade and Industry (DTI) secretary Ramon Lopez tungkol sa nauuso ngayong online barter o ang pakikipalit ng mga bago or 2nd hand na kagamitan na walang gamit na pera. Ayon sa secretary, ang nasabing gawain ay hindi legal at labag sa tax law.

Palitan ng produkto sa barter system

Aniya, ang mga online sellers ay dapat magregister sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Ang bartering ay ginagawa daw sa iilang parte ng bansa tulad ng Sulu st Tawi-tawi pero hindi daw ito pwede sa iba. Lahat daw ng online transactions ay dapat bayaran gamit ang pera na may kaukulang tax. Dahil dito, nakipag-ugnayan na daw ang DTI sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa mga taong nakikipagonline trade.

Ang online trade o barter ay nauuso ngayon dahil sa lumalalang epekto ng kumakalat na Corona Virus o Covid 19. Maraming mga tao ang nawalan ng trabaho at pagkukunan ng pangkabuhayan o pera. Imbes na gumastos, naisip ng iba na ipagpalit na lang ang kanilang mga gamit, bago man o hindi, sa iba pang pisikal na bagay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *