June 7, 2020

Delivery Boy Ipinagtanggol Ng Pinoy Mula Sa Pananakit Ng Chinese: “This isn’t your country, We have laws”

  • Viral sa social media ang video ng harapan ng isang Pinoy at isang Chinese
  • Nanakit daw kasi ang Chinese ng isang delivery guy kaya ipinagtanggol siya ng isang Pinoy
  • Sabi ng Pinoy sa Chinese, may mga batas daw na kailangang igalang ang dayuhan habang nandito siya sa ating bansa

Pinag-uusapan ngayon ang pagdagsa ng mga Chinese sa Pilipinas. Mula sa pagdami ng Chinese workers sa ilang lungsod sa Kamaynilaan, hanggang sa mga turista napaulat na hindi nirerespeto ang ilang lugar sa bansa at nagiging sanhi umano ng pagkawala ng kaayusan sa ilang atraksiyon. Maraming Pilipino tuloy ang napatataas ang kilay sa gawing ito ng mga dayuhan.

Tila isang kababayan nga natin ang hindi nakapagtimpi pa sa mga di umano’y hindi magandang ginagawa ng mga Chinese sa mga Pinoy. Viral ngayon sa social media ang kuhang video ng netizen na si Trix kung saan makikita ang mainit na sagutan ng isang Pinoy at isang Chinese national dahil ipinagtanggol daw ng Pinoy ang kapuwa niya laban sa mapang-abus0ng dayuhan.

Mapapanood sa video na galit ang Pinoy sa Chinese na una na raw sinigawan at sinaktan ang isang delivery guy na ayaw ibigay ang package sa Chinese dahil wala itong maipakitang ID. Requirement kasi ng ilang shipping company ang valid ID bago makuha ang item.

At dahil walang maipakitang ID at hindi makuha ang pina-deliver, nagalit daw ang Chinese at mayroong pananakit na nangyari sa lalaking nagde-deliver. Dito na raw ipinagtanggol ng isang kababayan natin ang trabahador at matapang na sinabing dapat igalang ng Chinese national ang batas.

“’This isn’t your country, we have laws,’ this national (white jacket) started hurting the delivery guy (the one with black bag) coz she didn’t have a valid ID and Kuya needed one,” sabi ni Trix sa kanyang video.

Agad na nag-viral ang video sa Twitter at nagkaroon na ng higit 2.3 million views. Maraming Pilipino ang natuwa sa ginawang pagtatanggol ng Pinoy sa video. Sinabi nilang kung ang pamahalaan daw ay walang pangil sa mga dayuhang Chinese, ang mga simpleng mamamayan daw ay kayang kumilos para sa ating karapatan.

“Ang masama kasi baka imbes na ipagtanggol yung agrabyad0ng kababayan natin eh ipagtanggol pa ng gobyernong ito yung mga dayuhan,” sabi ng isang Twitter user.

Sabi naman ng ilan, magsilbing aral daw sana ito sa mga dayuhan na bilang turista ay mayroong paggalang na dapat ibigay sa mga taong tunay na nakatira sa bansang iyon. Mahalaga ito upang magkaroon ng kaayusan ang bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *