December 9, 2019

Biktima ng hazing sa Philippine Military Academy na kilala bilang si Darwin Dormitorio

Hindi tulad ng lahat na kayang tiisin ang hirap ng hazing. May ilang pipiliing mas talikuran ang pangarap na maging kawal ng bayan.

“Do not lie,steal,cheat or tolerate those who do so” ito ang honor code ng Military Academy.Pero sa gitna ng issue tungkol sa pagkamatay ng isang kadete dahil sa hazing sa loob ng institusyon.Ito ngayon ang prinsipyong inaasahan na mananaig upang bigyang sagot ang mga katanungan tungkol sa malagim na pangyayari na ito sa PMA.

Courage,integrity,loyalty tatlong katangian ang meron ang sinumang makakapagtapos sa institusyong mahigit isang siglo ng mga kawal ng bansa ang Philippine Military Academy.

Sa loob ng akademya hinubog ang mga kawal na nagtatanggol sa atin laban sa seguridad ng ating bansa tulad nalang ng nagdaang battle of marawi kung saan ilan sa mga sundalong lumaban ang nakapagtapos sa PMA.

Dahil sa tagumpay ng ating mga sundalo sa ngyaring giyera sa Marawi umigting ang kagustohan ng 20 anyos na si Darwin Dormitorio na mag sundalo ayon sa kapatid niyang si Dexter.Mayo ng taong ito pumasok na kadete si Darwin pero matapos ang 4 na buwan na pagsasanay sa loob ng academy binawian ng buhay si Dormitorio.

Sa kwarto nila Darwin Dormitorio ang unang insidente na nangyari na de umano’y pangbubogbog sa kanya.Ayon sa impormasyon na galing sa Baguio City police,kinabukasan pagkalabas nito ng hospital ngyari ang ikalawang insidente na pambubogbog ng kanyang mga upper class,pero matapos ang siyam na araw dinala muli si Darwin sa hospital sa pangalawang pagkakataon.

Nalaman nalang nila Dexter na na hospital si Darwin noong August 20 hanggang 27 dahil sa sulat nitong ipinadala sa pamilya na kung saan sinabi pa nito na kahit nasa hospital siya ay maayos naman ang kanyang kalagayan.Gabi nung september 14,isa nnamang pananakit ang naranasan ni Darwin sa kamay ng kanyang mga upper class cadeth.

Madaling araw ng september 10,nagampanan pa daw ni Cadeth Darwin ang kanyang duties.Pagkatapos daw nito inutusan ni Cadeth 1st class Axl Rey Sanopao si Cadeth 4th Class Darwin Dormitorio na hanapin ang combat boots,7:31 ng umaga nakita muli ni cadeth 1st class si Darwin sa hallway at inutusang mag squat thrust ngunit lima laman ang nagawa nito dahil hindi na maganda ang pakiramdam nito at halatang may masakit sakanya, 8:40 ng umaga nireport na ni cadeth 2nd class Zacarias kay cadet 1st class Elbert Lucas na hindi na makatayo si Darwin at kailangan ng madala sa hospital.Alas 5 ng hapon nakabalik na si Dormitorio galing sa hospital.

Alas 11 ng gabi nagreklamo daw si Dormitorio na sumasakit ang tiyan at hindi na daw makahanap ng kumportableng posisyon,3:50 ng umaga ay dinala si cadeth 4th class Darwin Dormitorio sa PMASH ngunit 5:15 ng umaga ay opisyal na itong idiniklarang patay.

Hindi madali sa pamilyang Dormitorio ang ngyari sa kanilang pinakamamahal na bunso.Ayon sa death certificate BLUNT TRAUMATIC INJURIES TO THE ABDOMEN ang sanhi ng pagkamatay ni Dormitorio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *