December 9, 2019

Ang tunay na dahilan ng babaeng Taiwanese sa pag suot ng string bikini.

Viral sa Social media noong nakaraang linggo ang isang Taiwanese na babae matapos makunan ng litrato sa mga netizens na nakasuot lamang ito ng string bikini habang gumagala sa beach front sa Isla ng Boracay.

Ibat ibang reaksyon at mga masasakit na komento ang bumuhos sa internet matapos kumalat ang litrato nito.Dahil dito buong pusong nag apela ang nobyo ng taiwanese na babae sa mga netizens.Nakiusap na ihinto na ang pagpapakalat ng litrato sa kanyang nobya.

Nagpaliwanag nman ang nobyo ng Taiwanese kung bakit ito ang sinuot ng kanyang nobya sa araw na iyon.Ayun sakanya,nabili nila ang dalawang pares ng bikini sa isang shop sa Boracay sa mismong pagdating nila sa isla noong Oct. 9. Hinamon niya daw ang kanyang nobya ng pustahan na kapag ito ay matalo isusuot nito ang bikini. Kinabukasan, Oct. 10, isinuot umano ng kanyang nobya ang isa pang pares nito. Nagkasundo daw sila na sa hotel’s pool na maligo subalit kinalaunan nag desisyon umano silang pumunta at lumipat sa beach kung saan nakiusap sila sa hotel staff hinggil sa kanilang kasuotan sa konsiderasyong maraming bata ang gumagala din sa beach.

At noong nandun na sila sa mismong beach wala silang ka alam-alam na kinunan na pala ang kanyang nobya ng litrato na kung saan nag viral agad ito sa social media at dahil dun hindi nila inasahan na may police ng boracay ang mismong lumapit sakanila at inimbitihan sila sa police station.Sumama nman sila kahit hindi nila alam kung ano ang nagawa nilang kasalanan.

Doon na lamang daw nila nalaman ng sabihin sa kanila ng mga pulis na kumakalat na sa internet ang litrato ng kanyang nobya na nakasuot lamang ng string bikini.

Hindi nman daw nila alam na hindi pala pwede ang ganong klaseng kasuotan sa isla dahil ang alam niya ay pwede na bsta matakpan lang ang maliit na parte ng maselang parte ng katawan at isa pa ay isa nman yun sa benta ng isang shop sa boracay kaya nagtaka sila kung bakit ito bawal.Ayun nman sa kanyang nobya na taiwanese, regular o normal lamang ito skanila itong suot na kaparehong bikini sa Taiwan.

Dahil sa gusto nilang maayos agad ang kanilang problima sa sitwasyong ito binayaran nila agad ang mula na nagkakahalang P2,500 sa paniniwalang doon na matatapos ang kontrobersiya, subalit patuloy parin itong inirereport ng mga media outlets at pagpakalat ng kanilang litrato na hindi man lang daw itinago ang kanilang identity.

Ayon sa kanyang nobyo na hindi nman daw nila sinasadya at inasahan ang pangyayaring ito dahil wala nman silang ka alam alam na bawal pala ito, sila pa daw umano ang minultahan na kung tutuusin ay sila pa daw ang biktima.

Aminado naman siya na medyo na “over” na ang suot ng kanyang nobya at naintindihan umano niya ang negatibong reaksyon ng mga tao hinggil dito. Dagdag pa niya, dahil umano sa matinding mga reaksyon sa social media, sobrang stressed at halos mabaliw na daw ang kanyang nobya.

Nagi-guilty umano siya dahil ang simpleng pustahan nila ng kanyang gf ay nagresulta ng malaking eskandalo.

Sa huli, nakiusap siya sa netizens na huwag ng sisisihin ang gf niya at huwag ng ikalat pa ang kanyang personal details.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *