December 9, 2019

Ang Pag Inom ng Alak ay nakakahaba ng buhay.

Mahilig ka bang uminom ng alak ?

Karaniwan kapag may handaan mapa birthday man o kahit anong okasyon hindi talaga maiwasan ang pag laklak ng alak.

Alam niyo ba na ang pag inom ng alak wine man ito redwine o beer ay nakakatulong upang bumaba ng 18% ang hindi inaasahang pagkamatay batay sa pag aaral ng University of California na tinatawag na “The 90+ study” na sinimulan noong 2003 na may layong malaman kung ano ang sekreto para mabuhay ng higit pa sa 90 years old.

Kabilang sa natuklasan dito,mas mahaba ang buhay ng mga taong umiinom ng alak kumpara sa mga hindi umiinom ng alak.

Ayon sa mga doctor ang pag inom ng hindi bababa sa dalawang baso ng wine o beer ang itinuturing “moderate drinking” nakakatulong upang mabawasan ang maagang pagkamatay at para sa magandang circulation ng dugo.Paalala lang ng mga eksperto hindi ito dapat abusohin dahil may masama itong balik sa katawan lagi nating tandaan na “Lahat ng sobra ay nakakasama” kaya kung iinom man “Drink moderately.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *