September 27, 2020

2 Aircraft Carrier ng Amerika, Bumalik sa West Philippine Sea

Nagpadala ang Amerika ng dalawang aircraft carrier sa West Philippine Sea o South China Sea sa kabila ng tumataas na tension sa nasabing lugar. Ang mga aircraft carrier na USS Nimitz at USS Ronald Reagan na nagsagawa ng military exercises noong July 4 hanggang 6 ay bumalik sa nasabing lugar noong nakaraang Biyernes.

Mga pinagaagawang teritoryo sa West Philippine Sea

Ayon sa commander ng USS Nimitz na si Rear Admiral Jim Kirk, ang pagdating ng 2 carrier ay naaayon sa International Law at nagpapahayag ng kanilang suporta sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific region. Hindi naman daw ito dahil sa mga kasalukuyang mga pangyayari na dulot ng maraming mga issue sa pagitan ng US at China tulad ng lumalang pamdemyang dulot ng Corona Virus .

Nag-uumpisa na namang tumaas ang tension sa nasabing lugar kung saan hinahamon ng maraming bansa ang inaakong mga teritoryo ng China kabilang na dito ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan. Ito ay matapos ng sunod-sunod na gawain at deklarasyon ng China hinggil sa nasabing lugar.

📷PCOO

Matatandaan na nagpahayag ng alarma si Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas nitong nakaraang buwan sa kanyang video message sa 36the ASEAN Summit pagkatapos ng sunod-sunod na insidente sa West Philippine Sea na kinasasangkutan ng China. Kabilang dito ang pagpapatayo ng dalawang research station at ang pagdeklara ng dalawang distrito ng tinatawag na Sansha City na sumasaklaw pati sa mga isla na hawak ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *